Tungkol sa WASHINGTON NEW AMERICANS filling-out-paperwork-1

February Citizenhsip Clinic 

Petsa: Sabado, Pebrero 24, 2024 sa SeattleAppointment lang, tawagan at i-text kami para magpa-appointment.

If you have any questions, please contact us at (206) 926-3924 by call or text. You can also reach us at wna@weareoneamerica.org. 

It is very important to have all the required documents ready for Citizenship Day. Click here to read the full list of documents you will need. If you have ever been arrested, detained, or have had to appear in court, you will need all the certified court documents and police reports. If you are not sure, please contact us at (206) 926-3924. 

Ang programang Washington New Americans (WNA) ay isang pagsasama ng Estado ng Washington at ng OneAmerica (dating Hate Free Zone), isang non-profit na dedikado sa pagpapalawak ng hustisya at pagkakapantay-pantay.

Ang aming layunin ay upang isulong ang matagumpay na integrasyon ng imigrasyon sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga karapat-dapat ng mga Legal na Permanenteng Residente (mga may hawak ng “green card”) sa impormasyon at mga serbisyo na kanilang kailangan upang matagumpay na ipursigi ang pagkamamamayan at maging aktibong mga miyembro ng ating komunidad.

Katunggali namin sa trabaho ang American Immigration Lawyers Association (Samahan ng Mga Abogado sa Imigrasyon ng Amerika) (AILA) at mga organisasyon ng komunidad sa Washington upang magbigay ng sumusunod na mga serbisyo nang walang bayad:

  • Impormasyon tungkol sa proseso ng naturalisasyon
  • Tulong sa aplikasyon sa pagkamamamayan (N-400 na mga form lamang)
  • Legal na pagrepaso ng mga aplikasyon mula sa boluntaryong abogado o akreditadong kinatawan

Looking to practice your English, learn technology, and build community from home? Sign up for English @ Home – our first-ever online English class!

Click here to learn more or pre-register for an upcoming citizenship clinic, including our monthly clinics in downtown Seattle. Pre-registering will also help us keep you informed about any possible changes to the event. Otherwise please plan to check back for any updates.

UPANG MAGING KARAPAT -DAPAT, KAILANGAN MONG: 

  • Maging 18 taong gulang o higit pa sa petsa ng iyong pagpapatala
  • Naging ayon sa batas na permanenteng legal na residente nang hindi bababa sa nakaraang limang taon (o tatlong taon kung kasal sa isang mamamayan ng U.S.).
  • Nasa U.S. nang 2.5 sa nakaraang limang taon (o 1.5 sa nakaraang tatlo, kung kasal sa isang mamamayan ng U.S.), at wala sa labas ng U.S. sa panahong isang taon o higit pa sa loob ng nakaraang limang taon (o tatlong taon kung kasal sa isang mamamayan ng U.S.)

MGA BENEPISYO SA PAGIGING MAMAMAYAN NG ESTADOS UNIDOS 

Kapag naging mamamayan ng Estados Unidos, ang isa ay makakakuha ng mga sumusunod na mga benepisyo:

  • Karapatang bumoto, magsilbi sa mga hurado, at mahalalo sa pampublikong opisina.
  • May mas malakas na boses at kakayahang lumahok sa mga desisyon ng gobyerno na nakakaapekto sa iyo at sa iyong pamilya.
  • Ipadrino ang mga miyembro ng pamilya na maging migrante ng Estados Unidos at/o mas mabilis na magmigrante sa Estados Unidos kompara sa mga ipinadrino ng mga permanenteng residente na miyembro ng pamilya.
  • Awtomatikong magawang mamamayan ng Estados Unidos ang mga anak na hindi pa 18 taong gulang at legal na permanenteng mga residente sa panahon na naging mamamayan ang kanilang magulang.
  • Magbiyahe at mamuhay sa ibang bansa nang hindi nag-aalala na mawawalan ng legal na estado sa Estados Unidos o pagkuha ng permiso sa muling pagpasok.
  • Walang takot na mapalayas. Kumpara sa mga taong may green (berde) na card, ang mga mamamayan ng Estados Unidos at ang kanilang mga anak na naging mamamayan kasama nila ay hindi maaaring mapalayas o tanggihan ang pagpasok sa Estados Unidos. Ang mga tao na mga green card ay maaaring mapalayas kapag nakagawa ng krimen o maaaring mabawi ang kanilang green card kapag nanatili sa labas ng Estados Unidos nang matagal na panahon.
  • Higit pang mga pagkakataon sa pag-empleyo. Maraming mga trabaho sa pederal na gobyerno at pribadong trabaho ang nangangailangan ng pagkamamamayan sa Estados Unidos.
  • Mga pampublikong benepisyo. Ang mga mamamayan ng Estados Unidos ay maaaring makatanggap ng mga pampublikong benepisyo na hindi maaaring ibigay sa mga migranteng hindi mamamayan, kasama ang mga may hawak ng green card.
  • Mas konting mga aalalahanin sa papeles, hindi katulad ng mga may hawak ng green card. Hindi kailangan i-renew ng mamamayan ng Estados Unidos ang kanilang estado o ipaalam sa USCIS kung sila ay lumipat.
  • Karapatang mag-may-ari ng baril. Karamihan sa hindi mamamayan ay hindi maaaring mag-may-ari ng mga baril, kasama ang pangangasong baril.

ANO ANG DADALHIN SA ARAW NG PAGKAMAMAMAYAN 

Lahat

  • Ang Iyong Permanenteng Residenteng Card (Green Card)
  • Listahan ng mga address ng tirahan sa nakaraang limang taon at ang mga petsa kung kailan ka nakatira sa mga address na ito
  • Listahan ng mga pangalan nga mga pinagtrabahuhan sa nakaraang limang taon, kasama ang mga petsa kung kalian ka nagtrabaho sa mga nag-empleyong ito
  • Mga petsa na nasa labas ka ng U.S. mula nung naging isang permanenteng residente at ang mga bansa na iyong pinuntahan sa mga pagbiyaheng ito. Dalhin ang iyong mga pasaporte at mga itineraryo, at kung mayroon, mga tiket upang masundan lahat ng mga pagbiyaheng ginawa sa labas ng USA.
  • Ang buong pangalan ng iyong mga anak, mga petsa ng kapanganakan, at ang kanilang mga A# (alien rehistrasyon na numero) kung mayroon sila nito
  • Ang iyong pinakahuling tax return at mga form ng W-2
  • $725 bayad sa filing (maaaring hindi makasama) – tseke, cashier’s check, o money order para sa “U.S. Department of Homeland Security”
  • May mga tigasalin ng wika na magagamit ngunit maaaring mas maigsi ang oras ng paghihintay kung magsasama ka ng sarili mong tigasalin ng wika Iba pang mga dokumento

IBA PANG MGA DOKUMENTO

  • Kung ang pangalan sa iyong green card ay iba sa iyong kasalukuyang legal na pangalan: 
    • Dalhin ang mnga dokumento na legal na nagbago sa iyong pangalan (sertipiko sa pagkakakasal, utos sa diborsiyo o dokumento ng korte).
    • Magdala ng mga kopya ng anumang dokumento, mga sulat, o mga papeles na iyong ipinadala sa o natanggap mula sa gobyerno tungkol sa problema.
  • Kung nag-a-apply ka para maging mamamayan ng US citizenship base sa pagkakakasal sa isang mamamayan ng US dalhin ang: 
    • Impormasyon tungkol sa iyong asawa at kaniyang nakaraan mga pagkakakasal o mga diborsiyo 
    • Mga dokumento na nagpapatunay na ikaw at ang iyong asawa ay nagsasama sa tirahan (mga halimbawa: mga tax return, mga statement ng bangko, mga renta, hulog sa bahay, sertipiko ng kapanganakan ng inyong mga anak).
  • Kung mahigit sa isang beses ka nag-asawa: 
    • Dalhin ang sertipiko ng kasal at utos sa diborsiyo (o kamatayan) o mga partikular na petsa ng lahat ng mga kasal at diborsiyo.
    • Magdala ng katunayan ng iyong pagbayad sa anumang suportang inutos ng korte. 
  • Kung nasa labas ka ng US nang mahigit na 6 na buwan sa alinmang taon mula naging isang Permanenteng Residente: 
    • Magdala ng mga detalye tungkol sa mga petsa kung kalian ka umalis at bumalik sa US, at katunayan na nagpanatili ka ng trabaho o tahanan sa U.S. 
  • Kung mayroon kang asawa o mga anak na hindi mo kasama sa tirahan, dalhin ang: 
    • Anumang utos ng korte tungkol sa pagbayad mo ng pinansiyal na suporta;
    • Katunayan ng iyong pinansiyal na suporta (mga halimbawa: mga nakanselang tseke, mga resibo ng money order, katunayan ng pagkaltas sa sahod, o sulat mula sa magulang o tagapag-alaga ng iyong mga anak).
  • Kung sa iyong palagay ay ikaw ay naaresto, nadetina o humarap sa korte para sa anumang dahilan sa loob ng nakaraang limang taon o higit pa: 
    • Dalhin LAHAT ng mga dokumentong sinertipikuhan ng korte at ng pulis (mga halimbawa: ulat ng pulis, pagharap at disposisyon sa korte) 
    • HINDI KASAMA–Menor na mga paglabag sa trapiko (mga halimbawa: mga tiket sa pagparada, mga tiket sa tulin).
  • Kung ang iyong pederal, estado o lokal na mga buwis ay lampas na sa petsa ng pagbayad (o nakaligtaan mo itong bayaran):
    • Dalin ang kopya o ano mang documentos, sulat, o papeles na pinadala mo o natanggap mo galing sa goberno tungkol sa problema.
  • Kung nagrehistro ka sa U.S. Selective Service:
    • Dalhin ang petsa ng pagrehistro at ang numero ng iyong selective service, kung alam mo ito.

Para sa higit pang impormasyon sa Mga Araw ng Pagkamamamayan o upang magpalista sa libreng tulong sa paunang-pagsala, mangyaring tumawag sa 1-877-WA-NEWCI(TIZEN)(1-877-926-3924) o magpalista ngayon.

popular documents

services near you

The following is a list of organizations and individuals who provide naturalization services in Washington State.
map-nonprofit
Nonprofit organizations offer free or low-cost services. Please call for more information about services, fees, and appointment availability.
map-attorney
Attorneys offer legal services at a cost, some offering reduced fees or installments. Please call for more information about services, fees, and appointment availability.